Oo nga pala

Kay sayang pagmasdan mga ngiting naguumapaw Mga ngiti na sana ikaw ang dahilan Ngunit sadyang malupit ang tadhana Na oo nga pala kaibigan...

Kay sayang pagmasdan mga ngiting naguumapaw
Mga ngiti na sana ikaw ang dahilan
Ngunit sadyang malupit ang tadhana
Na oo nga pala kaibigan ka lang. 

Mahirap harapin ang katotohan
Katotohanang wala talagang patutunguhan-
Na baka sakaling ikaw ay may pag asa.
Dahil oo nga pala may kapiling na siyang iba.

Kung pwede nga lang mabago
Ang pilit na ikinukubli ng tadhanang gustong maitago
Kung pwede lang talaga na sana mapansin mo
Pero oo nga pala hanggang dito lang talaga tayo. 

You Might Also Like

0 comments

Instagram @princessbltzr